Linggo, Hulyo 24, 2011

Magaling na ako

Ngayon ko nalang ulit na visit tong blog ko..ilang araw din akong nakaratay sa higaan at kinakabahan pa nga ako baka matanggal pa ko sa trabaho..Aray ko po!! patay ako sa nanay ko mahirap maghanap ng trabaho sa ngayun, kaya kahit hindi ko kaya e pinipilit kung makapasok sa opisina.Hindi naman masyadong naging boring yung araw ko simula ng magkasakit ako..nagkaroon din kasi ng handaan sa bahay..at nakasama ko yung iba kung friends..oo masaya pero bitin.

Medyo ok narin ang pakiramdam ko,nakaka kilos narin at nakakatawa ng hindi hinahawakan ang tummy ko dahil sa subrang sakit nito,afektado lahat.Nag pa checkup narin ako pero putik!!! walang sakit na nakita sakin,parang nagsayang lang ako ng oras sa pagpunta sa hospital.Kinakabahan tuloy ako baka mamaya my cancer na ako..shet!!! ayaw ko pang mamatay!! gusto ko pang mag ka anak at magkaapo!! wahahahhaahah..hayyy ang totoo subrang sad talaga ako..napaka boring ng buhay ko..hayyyy.huhuhu..pero thanks god parin kasi malakas na ako, kaya natuto na ako,ang hirap pala pag may sakit ka talaga..simula ngaun aalagaan ko ang sarili ko.

Martes, Hulyo 12, 2011

Fact: Hindi porket nagbalik na ang taong mahal mo ay para na kayo sa isa’t isa. May mga bagay na bumabalik lang talaga para sukatin ang katatagan ng iyong KATANGAHAN.

Di baleng Nasaktan ng Sobra..Ang Mahalaga,Kaya mong gumising sa umaga at simulan ang Araw kahit wala na sya

"Buhay pag-ibig nga naman" lhat ng tao nakakaranas ng tinatawag na "BROKEN HURTED"
shit!!! ang sakit sa tenga,halos laht at ng taong nakasalamuha ko e..yan ang problema.
Naranasan nyo bang umiyak gabi-gabi at isumpa sya.Yung tipong hindi kana kumakain at wala ka ng pakialam sa sarili mo,halos hindi kana nga makapag suklay at makaligo dahil sa sakit na dinadamdam mo,at ang pinaka nakakaasar sa laht yung..GUSTO MO NG MAGPAKAMATAY!!! sa galit.

At kung ako sainyo..guys!! masasayang lang ang luha nyo!! at oras kung mag mumukmok kayo sa isang tabi dahil sa nangyari saiyo,Dahil kahit umiyak pa kayo ng isang drum,hindi na maibabalik yung dating mayroon kayo at masasayang sandaling magkasama kayo.Tanggapin nalamang natin na may "MAS" tamang taong nakalaan saatin.at isipin mo nalang na kung mahal ka ng gagung taong yan.. hindi ka nya hahayaang mawala sa buhay nya.

Huwebes, Hulyo 7, 2011

Pangarap lang kita

Pangarap Lang Kita - Parokya ni Edgar ft. Happee Sy

Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo
‘Di tulad sayo, impossible
Prinsesa ka, ako’y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari

[chorus - Chito]
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko ‘to aking sinta
Pangarap lang kita

Ang hirap maging babae
Kung torpe ‘yung lalaki
Kahit may gusto ka ‘di mo masabi
Hinde ako ‘yung tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari

[chorus - Happee]
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko ‘to aking sinta
Pangarap lang kita

[chorus - Chito and Happee]
At kahit mahal kita (minamahal kita)
Wala akong magagawa (walang magagawa)
Tanggap ko ‘to aking sinta
Pangarap lang kita

[Happee’s chinese part]
Suiran wo hen ai ni
Wo mei fenfa gaosu ni
Wo xin zhong yi you oh – qinai
Danshr shr wo de ai

[chorus - Chito and Happee]
At kahit mahal kita (da ai)
Wala akong magagawa (wo zhen de mei fenfa)
Tanggap ko ‘to aking sinta
Pangarap lang kita

“emoness”

Kapag naulan hindi natin maiwasang maalala lahat ng masasakit na nangyari sa buhay natin,
Yung mga bagay na binaon muna sa limot na halos ayaw mo ng maalala pa,Kaya siguro maraming tao
ang ayaw sa ulan hindi dahil sa mababasa sila..kung hindi dahil ayaw na nilang mag balik pa sa nakaraan.

kaya kapag naulan..lumayo kayo sa bintana,kasi nagdudulot ito ng sakit na emoness..

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

Nothing is permanent??

Really??
OO sabi nila wala daw nagtatagal sa mundo,wala daw kasiguraduhan..
Hindi palaging masaya ka,hindi rin naman palaging malungkot ka..hindi rin
palging merun,minsan naman kasi wala.
Ang hirap paniwalaan,Lahat ng bagay naka depende parin sa tao, lahat nasakanya
ang pag papasya, Kung gusto mong maging masaya..why not? kaya mo! at kung gusto
mong maging malungkot..mas kaya mo! diba? Sabi nga nila kung nauuhaw ka,uminom ka ng tubig
kung gutom ka,kumain! kung bored kana sa buhay mo..baguhin mo yung araw-araw na ginagawa mo.
Maraming paraan para mapasaya ang buhay mo.Yun nga lang mahirap gawin..tama ba? pero kailangan!
Takot kasi tayong subukan,takot tayong baka sa huli pag sisihan.alam ko madaling magsalita
pero mas alam kung WALANG IMPOSIBLE sa mundo.Gusto ko lang iparating sa lahat na..mahirap sa
umpisa pero kung pag sisikapan natin, tiyak ko ang tagumpay nating lahat.. Ang buhay kasi Parang tatoo sa katawan,Habang ginagawa ito sayo,masakit at halos mag sisigaw kana sa kirot. pero hindi ba pinipilit nating mag pretend na hindi masakit..na hindi mahirap,kasi natatakot tayong magkamali
at hindi makuha yung desinyong gusto mo.Ang buhay ay puno ng pag titiis,Mahirap sa umpisa pero pag natapos na laht ng problema mo..yan na!! Masasabi mong Ang tatoo ay magiging permament ng maganda sa katawan mo.

Martes, Hulyo 5, 2011

Naliligaw

Mapit nanaman ang uwian, hindi ako makapag concemtrate sa subrang lameg dito,
sumasakit ang ulo ko at pabalik balik sa CR,Naalala ko lang kagabi subrang
nakakahiya,pag sakay ko sa bus tinanong ako ng kundoctor kung san ang baba ko,
SA ROBINSON po, sagot habang nagttxt..dun na nag simula ang salitang ROBINSON..
nagulat yung manong, kaagad kung binawi at sinabibg sa RODRIGUEZ ang baba ko,
ewan ko ha! kung bakit ROBINSON yung sinabi ko, hanggang sa malapit na ako sa
babaan ko, hindi pa ako na kontento TUMAYO pa ako at sumigaw ng "MANONG ROBINSON" ha!!!
ohhh mayyy...subrang nakakahiya,parang mga ZOMBIES lahat ng pasahero ng tumingin sa akin.

Lunes, Hulyo 4, 2011

true love

Paano mo ba masasabing mahal ko na sya?? o Sya na nga talaga?

Nakakalito ang pag-ibig,may mag taong nadadaya nito.

Minsan nagugustuhan mo lang sya,dahil sa kanyang itsura,dahil kamukha sya ng paborito mong artista.

kahit ako hirap sagutin ang katanungang ito,pero sabi ng nakararami "ang pag-ibig daw ay walang dahilan".

halimbawa na lamang, tinanong ka ng kapareho mo..kung ano-anu yung mga bagay na nagustuhan at bakit sya ang pinili mo,hindi bat..madalas matagal nating nasasagot ang katanungan ito,at kung minsan naman ay wala kapang sagot.

May mga taong dumating sa buhay ko,na akala ko sila na talaga ang para saakin.
akala.........................................






____________--wait uwian na itutuloy ko

How to match accessories to a prom dress :--

So you found the perfect prom dress and you have the perfect date, all you need to have a perfect night are matching accessories. Although accessories aren't generally thought of as the most important part of your prom experience, they can definitely make or break an outfit. Use these simple steps to help you match the right accessories to your prom dress.

1. Choose a handbag that either complements or matches the color of your prom dress. A plain satin handbag works well and allows you to add your own embellishments, such as a flower or a few beaded stars. Also, make sure that your handbag is large enough to carry your lipstick, cellphone and car keys, but is still small enough not to be a drag on your evening.

2. Pick hair clips and tiaras that are glitzy and sparkly. These add a dramatic flair to your outfit and also give you a small souvenir to remember your prom night. Get clips or a tiara that match your dress and jewelry. Remember, if you're going to wear a tiara, take it with you when you get your hair done.

3. Accessorize your outfit with earrings and a necklace that accent your dress but aren't so overwhelming that they distract from your dress. If your prom dress is sequined, wear matching sparkling gem necklace and earrings. But if your dress is simple and elegant, choose diamond or pearl earnings and a matching necklace. Diamonds or fake diamonds are classics that you can't go wrong with--they match any dress.

4. Finish off your outfit with a pair of gloves. These add glamor to any dress. Above-the-elbow gloves are more glamorous and elegant, whereas below-the-elbow gloves add a more casual elegance to your prom outfit. Gloves can either match your dress or can be a contrasting color for a more fun look.

Biyernes, Hulyo 1, 2011

BLOG ng inaantok


Ito  matutulog na ngalang ako, bumangon pa.. putik subrang boring kasi lumilipad ang utak ko lalo na ng
makita ko yung ipis na palipad lipad sa bahay!! YUCKY!! Subrang kadiri hindi naman sa takot ako sa kanila nandidiri lang talaga ako..filing ko kasi hindi sila na liligo mukhang puro libag at napaka oily na ng katawan nila..nakaka aasar pa kasi hindi sila maubos ubos kahit anong patay pa sakanila maya maya merun ka nanaman mapapansin na lumilipad, nag aala Spiderman pa kung minsan, pero wag ka ng maipit sa pintuan yun ipis dahil sa katangahan ng tatay ko...AYYYY!! na shock ako ..kawawang ipis.isa pa
Sabi ni Nanay at paulit ulit nyang sinasabi sawang sawa na ako ..Maganda daw ako  at kahit  mga bata dito samin e mukhang  malabo ang mga mata.. pinanganak na atang uto-uto. At kahit mga bolerong mga construction worker wala na atang magawa kundi sabihan akong maganda haha nakakasawa dba?? Napasilip pa ako sa kusina namin kung may pagkain! Hindi sana ako kakain e..kasi wala naman akong panlasa,hindi ko ma eenjoy yung palamun ko. Malakas ako kumain MINSAN.. pero Lagi akong gutom. Tulad ngayon, gutom na naman ako..at sabi nila na kapag gutom ang isang tao, ibigsabihin gutom..OO tma!! Gutom ako. Hindi pa ba obvious?tapos biglang dumating yung bisita namin..bisitang pusa,malay ko ba kung  kaninu pusa yan bigla nalang sumulpot ,naasar nga ako kasi buntis pa ng dumating dito sa bahay isa pang kinaasran ko na aalala ko yung pusa kung namatay ,kaya ang ginagawa ko dahil sa subrang  bwecet na bwecet  ako saknya ,wala akong ginawa kundi pag tripan sya..hahha kapag wala ako magawa sa bahay



kahapon yan nung may sakit ako.. wala kasi ako magawa kya sya pinag tripan ko..wahhahah




cute diba????




wow......oh dba??? magaling syang mag projk sa cam



alam nya kasi na may kumukuha sakanya? nahalata nya sa flash kaya nag inarte...
                               YAN GINAWA KO TULOY SYANG MODEL  NG NAIL POLISH KO                                                                                                                                                                 
Ewan ko lang kung bumalik pa yang pusang yan..lalo tuloy akong naasar ng minsan umuwi sya sa bahay na duduan! Aba nagulat ako ha,sabi pa ni nanay nakunan,bwecet na pusa to alam na kasing buntis gala pa ng gala siguro nanlalaki d nakatiis, dun ko lang na realize na ganun pala itsura ng pusang nakukunan.. hahahaha!!!ang dame kung tawa,e ang ipis kaya ano itsura??eiwww!!!niisip ko pa lang kinikilabutan na ko! Panu kaya kung  bigla silang gumapang sa katawan ko, tapos sa subrang gulat ko.. nadaganan ko silang mag ina! PATAY!! Siguro isang batalyong ipis ang pupunta sa bahay para maghiganti!!!sige subukan nila!!papa usukan ko sila nung ensenso bayun??!!
Medyo  inaantok na ako pero marame pa akong kwento e,wala akong hilig mag computer pero nung nauso yung mga FS at FB nayan, dun nag simula, kasi kaht noon pa man bobo ako sa computer e , hahawaknga lang ako noon ng mouse at pipindot ng keyboad na nginginig na katawan , nag karoon lang ako ng katalinuhan simula ng kuhain ko tong walang kwentang kurso, COMPUTER SCIENCE hhaha a wag ka ang lola mo BACHELOR pa! 4 years yan men!! Tama apat na taon kung niloko ang sarili ko sa kursong d ko gusto! Peroo salamat atlist natuto akong mag FS at FB.. hahah at nailalagy ko sya sa CV ko.hayy kaasar lumalabo na naman mata ko.antok na ako e.OO! tama malabo mata ko.pano naman kasi nag simul ato nung mag suot ako ng contact lense at nakatulugan ko kasi maarte e.. hahah kaya yun tanga dba?isa pa mahilig akong magbasa noon ng mag nobela kahit kasing kapal payan ng sampung bible.. kaya kung tapusin yan ng isang araw..kahit kasi kumakain ako at nag ccr e yun parin ang hawak ko, at kahit naka pikit na ang isa kung mata sa subrag antok yun parin hawak ko..

shett... antok na ko nextym ulit goodnyts...

San ba nag sisimula ang Pagkakaibigan????

Masarap magkaroon ng maraming kaibigan,lalo na kung lahat sila'y "tapat" saiyo.
pero saan nga ba nagsisimula ang pagkakaibigan?

Sa hindi sinasadyang ngiti sa jeep,class room,trabahu,restaurant,computer shop,elevator,labas ng bahay at ang pinaka kilala ng lahat ay sa simpleng inuman.Madalas dito nag sisimula ang pagkakaibigan dito mo kasi nakikilala ang mga bago mong classmate,officemate, kapit bahay o kung sinu-sinu pa.Marahil ang iba'y hindi sa inuman nag simula ang pagkakaibigan,pero madalas hindi ba? "oh anu inuman tayo uwian na" "may papakilala ako sainyo mamaya" "labas tayo pwede ba" madalas yan ang naririnig natin,dahil sa simpleng yayaan,dito nakikilala mo ng lubos yung mga taong nakapaligid saiyo.para to sa mga taong busy-busihan,madalas kasi ito na ang ginagawa nilang libangan.

Noong nag aaral pa ako sa elementarya,nalala ko yung naging matalik kung kaibigan,nagsimula ang pagkakaibigan namin,dahil sa hiraman ng lapis,pambura papel at kung ano-anu pa.

Nung highschool naman, sa hiraman ng sagot "pangungupya sa katabi" o delikayay "pahinge naman ng pulbo" "may papel kapa" marahil pati kayo nakaka relate din,hidi ba?

Katulad nga ng sinabi ko,pagadating ko ng college,sa inuman na buo ang pagkakaibigan namin,dito mas maraming bonding at tawanan.ang sarap balikan


pero kahit saan pa man nagsimula ang pagkakaibigang iyun,masaya ako dahil marame akong ibat-ibang taong nakilala.ang mahalagay natututo tayong pahalagahan ang bawat isa,Dahila ang papel ng pagkakaroon ng kaibigan,sakanya at saakin pwede mong i-share ang lungkot at saya na ngyayari sa iyung buhay.

Seven Things No One Tells You About Marriage

1. You will look at the person lying next to you and wonder, Is this it? Forever?
2. You'll work harder than you ever imagined.
3. You will sometimes go to bed mad (and maybe even wake up madder).
4. Getting your way is usually not as important as finding a way to work together.
5. A great marriage doesn't mean no conflict; it simply means a couple keeps trying to get it right.
6. You'll realize that you can only change yourself.
7. As you face your fears and insecurities, you will find out what you're really made of.


Source: True Love