Biyernes, Hulyo 1, 2011

San ba nag sisimula ang Pagkakaibigan????

Masarap magkaroon ng maraming kaibigan,lalo na kung lahat sila'y "tapat" saiyo.
pero saan nga ba nagsisimula ang pagkakaibigan?

Sa hindi sinasadyang ngiti sa jeep,class room,trabahu,restaurant,computer shop,elevator,labas ng bahay at ang pinaka kilala ng lahat ay sa simpleng inuman.Madalas dito nag sisimula ang pagkakaibigan dito mo kasi nakikilala ang mga bago mong classmate,officemate, kapit bahay o kung sinu-sinu pa.Marahil ang iba'y hindi sa inuman nag simula ang pagkakaibigan,pero madalas hindi ba? "oh anu inuman tayo uwian na" "may papakilala ako sainyo mamaya" "labas tayo pwede ba" madalas yan ang naririnig natin,dahil sa simpleng yayaan,dito nakikilala mo ng lubos yung mga taong nakapaligid saiyo.para to sa mga taong busy-busihan,madalas kasi ito na ang ginagawa nilang libangan.

Noong nag aaral pa ako sa elementarya,nalala ko yung naging matalik kung kaibigan,nagsimula ang pagkakaibigan namin,dahil sa hiraman ng lapis,pambura papel at kung ano-anu pa.

Nung highschool naman, sa hiraman ng sagot "pangungupya sa katabi" o delikayay "pahinge naman ng pulbo" "may papel kapa" marahil pati kayo nakaka relate din,hidi ba?

Katulad nga ng sinabi ko,pagadating ko ng college,sa inuman na buo ang pagkakaibigan namin,dito mas maraming bonding at tawanan.ang sarap balikan


pero kahit saan pa man nagsimula ang pagkakaibigang iyun,masaya ako dahil marame akong ibat-ibang taong nakilala.ang mahalagay natututo tayong pahalagahan ang bawat isa,Dahila ang papel ng pagkakaroon ng kaibigan,sakanya at saakin pwede mong i-share ang lungkot at saya na ngyayari sa iyung buhay.

Walang komento: