Miyerkules, Setyembre 21, 2011

byahe

Tanghali na akong nagising (5:20am) sa subrang pagod ko kahapun,pagkatapos maligo,kumain tulog na ako agad.Nakakapagod ang tatlong oras na byahe,langhap ko lahat ng usok sa kalsada,tatlong oras din nananakit ang pwet at balakang ko sa upuan,dagdag pa..mabaho ang nakakatabi.kapag minamalas nga naman.minsan naman eh,talgang napakahirap ang sumakay bago pumasok at pauwi,ang sakit sakit sa ulo

Notes: 7:29am

Sa bawat takbo ng sinasakyan kung jeep,
Marami akong natuklasan,
Mga bagay-bagay na hindi ko pa alam,
kahit noon paman

Nagising ako sa katutuhanan,
Gusto kung sumulat,Para mailabas ang nasasaloob ko.
Gusto kung kumanta,Yun ang hilig ko.
Gusto kung gumuhit,Para sa mga natutuklasan ko.
Gusto kung magluto,araw-araw ng paborito kung putahi.
Gusto kung mag joke,kahit korne
Gusto kung makasama,na buo ang pamilya ko.
Gusto kung Makasama,ang taong bubuo sa araw ko.
Lahat ng nyan Gustong kung Gawin ng naka ngiti,

Napaka sarap Mabuhay
Kahit maging bukol-bukol pa ang likod mo,
sa pag tratrabaho
At kahit isang baldi na ng pawis ang tumutulo dahil sa pagod mo.
Kahit makapal na ang kalyo ng iyong mga kamay at paa.

Alam ko,
Marami Pa akong kakaining bigas para sa mga pangarap ko.

Alam ko,
Maraming beses pa akong masasaktan at iiyak
sa mga taong papahalagahan ko,subalit alam ko rin
na sa bawat sakit nito,makikita ko ring ang taong
magsusukli nito.

Napaka sarap Mabuhay
kahit Araw-araw kung nalalanghap
ang usok na nagmumula sa bawat mga sasakyan

Marahil ang lahat ng taong
naabot ng aking mga mata'y nangangarap din katulad ko,
kunyari tahimik,kunyari natutulog
ang totooy lumilipad ang isip

Balang araw magiging masaya din ako,
katulad ng kawayang nakikita ko ngayun,
sumasayaw ito,habang dinadamayan sila ng hangin.


Ang buhay ay isang paglalakbay,
bawat lubak ng kalsada ay sakit ang dulot nito
Ngunit hindi magtatagal,Makakarating din ako
sa aking Paruruunan,kahit Maging Trafic Pa man
Sasabay ako sa Bawat Pagtakbo ng aking orasan,
Kahit kasing taas Pa ng mga gusali
Ang Pangarap ko,ang laht ng byahe ng buhay
ay haharapin ko.


**Nagkaroon ako ng inspirasyon na isulat ito,kanina habang nasa byahe ako,napansin ko maraming tao at maga pulis sa labas ng sasakyan,nakatingin sila sa isang lalaking wala ng buhay,shet!!! ganun talaga..parang ang sakit sa loob,kapag namamatay na ang iasang tao balewala sa lahat kahit nakahiga ito sa kalsada,walng mg aaksayang latagan ka ng banig..nakakahabag.Dun nalamang ba natapos ang mga pangarap nya.kaya naiisip ko marame pa pala akong dapat gawin,hindi ko dapat sinasayang ang oras ko,dapat pahalagahan ko ang buhay na mayroon ako ngayun.

Isa pang nakaka gimbal sa araw kung to,isang aso naman ang wasak-wasak ang katawan sa highway..shet!! kaawa-awa talaga.buhay man ng tao o hayop,Pag wala ng buhay wala ng silbi ito.
***


BAD DAYYYYY!!!

Walang komento: