Asar na asar ako kahapon.. as in parang uusok na yung ilong ko sa subrang badtrip, alam nyo yung filing na pinipilit mong maging masaya, para maipakita mong ok ka sa harap ng maraming tao, Hindi ko maintindihan yung sarili ko!! asar kasi e.. kagabi katxt ko yung isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko, Hindi ko maintindihan kung bakit ganun yung mga message nya sakin sa txt, nag papaalm ba? nagpapasalamat? ayyyy.. ewan! badtrip talga.. hindi ko maintindihan kung anu ba talga status ng relasyon namin, tuwing magkikita kami masaya naman kami, chempre d mawawala yung kilig factor andun yung kiss,hug at asaran para hindi naman maging boring yung momment nyong dalawa.
pero everytime na maghihiwalay na kayo uuwi sa kanya kanyang bahay bigla ka nyang iittxt ng " thank you" huh?? thank you daw? kailangan bang mag thank you ang bf sa gf nya!! ASAR!! sa bagay ako lang naman ang nag aasume na magiging ok ang lahat..hayyy alam ko na wala akong karapatang magalit sakanya kasi ako yung nagkamali, pero sana maintindihan nya at maramdaman nya na nasasaktan din ako, nung gabing yun iyak ako ng iyak kasi.. alam mo yun yung taong dating nag sasabi sayo na hindi ka iiwan.. yun nalang yung taong nangungumusta sayo ngayun.. alam kung hindi nya masabi sakin ng harapan na wala na talagang pag asa para maibalik pa yung dati.. tama tanggap ko narin yun kaya hindi na ako umaasa pa,kailangan kung ipamukha sa sarili ko na MAGDUSA KA!!! yan yung kabayaran sa lahat ng ginawa mo sakanya.
Hindi ko rin maiintindihan sana hindi sya magpakita ng motibo sa akin para hindi ko sya mahalin, nasasaktan lang kasi ako e.
Hindi ko rin maintindihan bakit kailangan nyang alamin lahat ng ngyayari saakin kahit sa Facebook.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit minsan tinatanong nya ako kung bakit hindi ako nag send ng message sakanya, ang gulo dba?
ako tong iwas ng iwas pero sya yung lapit ng lapit.. aaminin ko mahal na mahal ko pa sya hanggang ngayun..at pinipilit kung kalimutan lahat, para maging ok na lahat kasi alam ko hindi kami magiging masaya kung mabubuhay kami sa kasinungalingan..alam kung walang lihim hindi nabubunyag!! alam ko alam nya na kung magpapatuloy kami.. WALA NG PAG ASA!! puro pag dududa nalang lahat.
kaya ang gagawin ko kahit subrang mahal na mahal ko sya.. kakalimutan ko ang lahat!!lahat!! tatanggapin ko ang katotohanang.. hindi kami para sa isat isa, mahirap makalimot alam ko, pero mas mahirap kung hindi ko pakakawalan tong sakit na nararamdaman ko.sana rin kapwa namin makita yung totoong taong mag mamahal samin. Yung hindi sya papaasahin at iiwan tulad ng ginawa ko, yung palaging nandyan karamay sa lahat, yung taong mamahalin sya at makakasama nya habang buhay,
para hindi kami kapwa nag iisip o nagtataka ng HINDI KO MAINTINDIHAN..
kasi alam naming pareho naming mahal ang isat isa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento