Ito ilang araw na may sakit..nagsimula to ng lingo ng umaga, kung bakit hindi ko rin alam
bigla nalang ako nagkaganito, kaya halos hindi ako makapag concentrate sa pag blo-blog ko.
Wala akong maisip na isulat..dahil lumilipad ang utak ko,may time na bigla nalang akong
maiiyak at maalala lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko.Ewan ko ba?? Ang bata bata
ko pa pero lahat na ng problema naranasan ko na,kahapon nga bigla nalang akong naiyak sa bus..
para kung baliw siguro iniisip na katabi kung mama..YUN NGA NABABALIW na ako.hehe
Minsan iniisip ko na sumuko nalang..kasi ang totoo PAGOD na ako..as in pagod na pagod,
Minsan nakakalimutan ko ng kumain..tapos..maya-maya maalala ko..chempre ang hirap ng ganto..Para kung mababaliw..hindi na ako nagtataka
kung bakit napakaraming nagkalat sa kalsada na may SAPAK sa ulo, kasi hindi nila
kinakaya ang problema nila..ang malala pa dyan, marami ang nag papakamatay.. hindi
na bago saatin yun,kapag may mga pangyayaring ganun..alam na natin agad ang dahilan.
Minsan din wala na akong pinaniniwalaan.. kundi ang sarili ko nalang!
Pasensya na ha, halos lahat ng nai-susulat ko e.. puro malulungkot na bagay..
Mas marami kasing MALUNGKOT kaysa MASAYA na ngyari sa akin.. WAHAHA!!!
hayaan nyo next time, mag hahanap ako ng Mas Masiglang topic para hindi masyadong boring.
Sa ngayun kasi puro sa akin muna ang alam kung maikwekwento ko sainyo..
Ang totoo kasi MADRAMA ang buhay ko.
Pero happy narin ako kasi.. lahat ng kaibigan ko MAHAL ako!!!!
tama ba?? hindi ko man sila madalas nakakasama, palage parin silang nandyan
para supurtahan ako..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento