Masarap Mabuhay sa Mundo kahit na, napaka rami nanating nagawang pag sisinunagaling o yung tinatawag na pag papangagap, Mas marami na nga ata tayong nagawang mali kaysa sa tama kya once na nakagawa tayo ng mabuti sa kapwa ang sarap sa pakiramdam.
Pero dahil sa lahat ng pagkakamaling yun natututo tayong maging malakas at matapang na harapin lahat ng pagsubok sa buhay natin.Alam ko at alam nyong lahat na walang taong perpekto sa mundo, maraming pag papanggap at kasinungalingan para lang mapagtakpan lahat ng kamalian nila sa buhay.Pero nanatili paring matikas at makapal ang mga mukha natin, kahit alam nating mali!!! tuloy parin ang buhay.. May mga taong subrang napaka maka dyos,halos araw-araw bibliya ang binabasa pero pansinin mo ang maga ugali nila? alam ko marami kayong nakasama o kakilalang ganyan. Meron pa nga ginagamit nila ang salita ng dyos para lang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Sa simbahan.. palagi kung tinatanong ang sarili ko.. ni minsan ba hindi nagkamali ang paring ito??????????? talaga bang dyos lang palagi ang nasa puso nila at maghatid ng salita ng dyos.
Ang mga magulang natin, totoo bang lahat ng sinasabi nila at pinapayo nila ay para lamang sa kabutihan nating lahat??? o para din sakanila.
Meron pa akong kakilala, naging matalik ko din syang kaibigan, dahil sa subrang gusto nyang mapalapit saamin, sinabi nyang may malaki silang bahay at may swiming pool pa! sa madaling salita MAYAMAN daw sila,
pero hindi lang sa kaibigan nang yayari yun... pwede rin sa
Nung natanggap ako sa opisinang inaplayan ko,isa sa mga katrabaho ko, subrang napaka bait nya at malalahanin, pero alam ko at alam ng lahat!! na lahat ng yun ay pakitang tao lamang.
Hindi lang sa status ng buhay meron ganyan dito sa mundo, minsan kasi sa unang tingin mo sa tao.. malalaman muna agad kung mabuti ba sya o hindi. kung nag sisinungaling ba sya o nagpapanggaplang.
Maayos ang damit nya, mabango mukhang mamahalin lahat.Meron masaya pero ang totoo malungkot sya.Meron din namang umiiyak pero ang totoo nag kukunwari lang sya.
Sa Pamahalaan! sa Gobyerno ganun din.. Tumutulong sila!! pinapakita nila lahat ng mabuti kung ano ang tama..pero, sapat bayun? sa madaling salita hindi lahat.. kulang parin.. nagtatabi sila para sakanilang mga sarili!
ewan ko ba.. kung bakit kailangan nating gawing komplikado lahat,Hindi ko naman sinasabing lahat ng tao katulad ng binangit ko sa mag sinulat kung ito, siguro kaya ko lang nasabi kasi naranasan ko at ako mismo naging malapit sa kanila, Lahat sila isa ang naging sagot katulad ko.. katulad mo Gusto nating maging mabuti at hindi mapang husga sa paningin ng tao. Sa likod ng Maayos,Mabango at kabaitang ipinapakita natin.. ang totoo nag hahanap lang tayo ng taong ma kakaintindi satin..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento