Martes, Agosto 30, 2011

Salamat Po

ilang wiks din akong nawala,halos isang buwan ano?? hindi na ako nakakapag update sa blog ko..subrang naging busy lang ako..sa Pamilya at sa trabaho..puro problema..at kahit four days na bakasyon e hindi ko na enjoy..hayyyyyy...buhay

hindi naging madali para sakin to, ang hirap..masakit talga sa ulo kahit maging positive at matapang kapa sa pagharap sa mga pagsubok na to..hindi ko talaga maiwasang minsan sabihin sa aking sarili na hindi ko na kaya..

DAHIL HINDI NA TALAGA..minsan kahit anong pilit kung maging masaya,natatatlo parin ito ng lungkot..at kahit anong pilit kung iwasan na umiyakk..tumutulo parin ang luha ko..ayaw ko na sanang umiyak hanggat maari..subrang stress,hindi naman SIGURO sa malas akong tao..mahal lang ako ng dyos..alam ko pagsubok lang lahat ng ito..pero SUBRA naman,lahat ata ng problema naranasan ko,nasalo ko ng lahat..nakakatakot maging mahina, baka matalo ako at mawala laht ng pinag hirapan ko,gusto ko maging matagumpay balang araw,AT ALAM KUNG KAYA KO!! malaki ang tiwala ko sa sarili ko..kahit na alam kung BASURA na ako..na ngangalingasaw..pero wala akong pakialm sasabihin ng ibang tao.

Ngaun my nadagdag nanaman sa problema ko at hindi ko alam kung tama tong gagawin ko sana i guide ako ni lord..Thankful parin ako kc,sa kabilang ng lahat ng to..sa dame kung problema !! SHET!!!! BUHY PA KO AT HINDI NABABALIW!! hahhaha yann nga nakakatawa pa.Salamat sa mga taong khit papanu e napapa ngiti ako..Salamat talaga..salamat

Miyerkules, Agosto 10, 2011

tamad-tamaran

Ayun!! tinatamad ako at ang dahilan.. makita ko palangyung mga tambak na papel dito sa office e..hayyy sumasakit na ang ulo ko,wala akong maisip na gagawin.Hindi dahil sa walang gagawin,hindi ko lang alam kung ang ano uunahin ko,dahil nga wala din yung mabait kung boss kaya lahat ng trabaho nya e naiwan sakin..mukhang gumaganti to.haha!! tawag dito,tawag dun,sagot dito,sagot dun.Filing dito filing dun,lakad dito,lakad dun,type dito,type dun.aray ko po!!.Ganto pala talaga ang buhay sa opisina.pero kahit nakakapagod ito ang lola mo,nakakapag blog parin,para may maikwento.tamang pa simple.Talagang masakit sa ulo ang trabaho sa office,nakaka stress at nakaka depress.mukhang talo ko pa an president ng pilipinas,konteng pagkakamali lang BLAG!!! patay tayo dyan,kaya dapat matalino,matapat,magalang,mabilis magtrabaho higit sa laht masipag! CRIZ nga pala.. laht ng yan may katangian ako,lolz!! yan dahil kailangan kung tapusin lahat ng ginagawa ko,saka na ako ulit mag kwekwento,at baka matambakan ako ng gagawin.


problema toh..ang lakas ng ulan,2:30pm palang e ang dilim na..patay wala akong payong ='(

Mga Walang Kwentang Bagay Tungkol Sakin!

wala ako magawa dito sa opisina..actualy marame akong gagawin tinatamad lang ako.

* Mahilig ako sa mga exotic na pagkain. Yung tipong nakakadiri sa iba, pero para sakin sobrang sarap talaga.pero ayaw ko ng karne nakakadiri kc! pakainin muna ako ng prinitong kalapati wag lang yun!!hahah


* Tamad akong magbasa ng text o kahit magreply. Minsan napupuno na inbox ko sa mga unread messages kaya binubura ko nalang kahit di ko pa binabasa.

* Tamad akong magaral. Sa buong buhay ko sa iskwelahan, wala akong maalalang exam na pinaghandaan ko.Madalas nga na ngupya lang ako sa katabi ko, o d kaya ilalabas ko yung notebook ko habang nasa exam ako,atlis my thrill d ako nahuhuli ng prof ko,mag gusto ko kcng mag basa ng ibng libru!! at dahil sa madiskarte ako ang lola mo palaging nasa honor.

* Tamad ako.sa gawaing bahay.pero super sipag ako mag trabaho,SIMPRE MY SWELDO EH!


* Pag pumasok ka sa bahay namin,iisipin mo nasa loob ka ng simbahan! hindi dahil andun si pader.kasi namn simula umaga hanggang pagtulog nag mimisa ang nanay ko.isa pa pag pumasok ka ulit iisipin mong nasa musiklaban ka,palagi kcng mg rakrakan sa bahay,simpre ang vocalist c nanay at ang drummer c tatay..



* Isa akong tangang gitarista,BAKIT? kc gusto ko matuto nun!! kaso pudpud na daliri ko e dpa ko natututo.

* Pangarap kong maging bokalista ng isang rock band pero hanggang pangarap na lang yun.



* Pag mga pamilya ko na ang pinag uusapan,subrang apektado talga ako..todo iyak ako sa likod ng bahy,nakakahiya namn kc kung my makakita

* anemia survivor ako,hindi payun lahat ata ng sakit e naranasan ko na pwera sa bulutang ha..

*Subrang adik ako sa pag susulat,kulang nalang kainin ko yung papel para may ma fil ko,swabeee pare.. Adik din ako sa pagbablog kahit walang ibang nakakabasa nito e wala ako pakialm.

* Mahilig ako sa bata,pero pag makulit na!! UHA!! sisigawan talaga kita..kaya minsan para na kung isip bata.

* Araw-araw akong may topak,pero pag kinausap ako ngumingiti ako ng may halong ka plastikan,pero madali akong mapatawa! akala nga nila baliw ako e.kc pag masaya ako wala akon pakialm kht kaninu.

* Mahilig ako sa mga gig yung concert AYAW KO!! wala budget DVD nlng ako o youtube manunuod,kahit san pang lupalup sa maynila yan pupuntahan ko.take note..magisa lng ako.

* Subrang love ko c Angelina julie..putik kung lalaki lang ako niligawan ko nat inagaw sya sa asawa nya,magkamatayan na tayo

* Naikot ko na ang buong mundo..sa GLOBO!!

* Mahilig akong kumain..ng chocolate!! lalo na pag libre, beer ang juice ko!!


* Mahilig akong manuod ng horror films pero matatakutin ako..

* Ayokong nakikita si Jonalyn Viray,sarah geronimo,kris bernal at kung sinu sinung walang kwentang artista sa gma. Nasisira araw ko.. pero kapuso ako.

*dapat 10:30 tulog na ako,at dapat 6:30 gising na ako pag may pasok sa opisina pag wala naman,dapat 10am gising na ako para maabutan ko yungidol ko c Ryan bang SHOW TIME yan men!!!

Regrets

finally!! nakapag isip-isip narin ako ng mga dapat gawin, marameng opportunity na ang pinakawalan ko dahil sa mga taong akala ko Sapat na sila,sa mga taong akala ko kapag napangiti nila ako e habang buhay..magiging masaya na ako.sa mga taong nagbigay tulong sakin pero kulang.. sa madaling salita,ang lahat ng yun e PANANDALIAN lamang, iba parin pala pag may pangarap ka..pangarap na gustong gusto mong abutin,na kahit imposible, e mangyayari kapag nag pursige ka.

kahit kailan hindi ko pinangarap maging mayaman,tumira sa mansyon na may sampung palapag o higit pa.Ang pangarap ko lang magkaroon ng maraming pera upang matulungan ang lahat ng kapwa ko na ngangailangan..kahit nung bata pa ako palagi akong na ngangarap ng gising na balang araw mag kakaroon ako ng pabrika ng pera.pero unte-onting nagbago ang pananaw ko habang lumalaki ako,HINDI SAGOT ANG PERA SA PROBLEMA!! yan ang sabi ko sa sarili ko.hindi laht ng bagy e nabibili ng pera..basta may salitang pagmamahal e sapat na.

pero mali nanaman ako,habang nararanasan ko yung paghihirap kung papaano magtrabaho,yung tipong dahil sa gusto mong kumita ng malaki para sa pamilya mo, kailangan mong mag O.T kahit antok na antok kana, yung tipong kahit my sakit kana e cge trabaho parin.Lahat ng yun na realize ko,na kapag na ngarap ang isang bata dapat habang lumalaki sya hindi mabago un.

kahit puro panghihinayang ako sa ngaun..atlis natututo ako! step by step mag sisimula ako.
sa ngaun nakapag set na ako ng appointment sa DFA, gusto ko bago matapos ang taon may passport na ako..para hindi man ako makalis ngaung taon e nextyear yun nalang aasikasuhin ko,at sana wala nanamang balakid..sana matuloy na ng hindi ko pag sisihan.



Lunes, Agosto 8, 2011

Paninindigan

Salita palang mahirap ng bigayang kahulugan agad-agad.
Subrang napakahalaga ng salitang ito,Ginagamit ito ayon sa sitwasyon.. sitwasyon na nararapat ay tama.Subalit marami sa atin ang hindi gumagamit nito,ang akala nila isa lamang itong kasabihan ng matatanda.Lahat tayo naniniwala na dapat ang tama ang palaging ginagawa.Kaso kapag nasa sitwasyon kana..nagiging tamad na tayo..totoo yun.Inaantay nalang na iba ang gagawa.

Iba ang paniniwala sa paninindigan,ang paniniwala ay nasa isip samantalang ang paninindigan ay mula sa mga binibitiwan nating salita at ginagawa.kung iniisip ng marame na masama kang tao at kahit ikaw tanggap mo,mahalagang magkaroon ka nito kahit konte lamang.Yung mga bagay na sinosuportahan at karapat dapat ipaglaban.

Dahil yan ang hihila sayo pabalik sa sarili mo tuwing nililigaw ka ng temptasyon. Yan ang magtutulak sayo para kumilos. At yan ang kakapitan mo pag may mga humahatak sayo palubog.

Tandaan mo, ang taong walang kinakapitan na tamang paninindigan, lulubog sa lahat ng bagay.

Huwebes, Agosto 4, 2011

Sakit ng mga babae

Mahirap basahin ang ugali ng isang babae,kumpara sa lalaki
Hindi mo masasabing ok sya kahit nakangiti pa.
Pero may mga pagakakataong nahuhulaan mo ang mga gusto nya.
Lalo na kung matagal na kayong naging magkasama.

Minsan may mga oras na masaya kayo,nagtatawan at maya maya'y bigla nalamang syang sisimangot at magiging moody.Mas madali pang gamutin ang sakit,kysa hulaan ang iniisip nila.

Ang totoo,isa sa dahilan ng madalas na pangyayaring ito.
Hindi kasi nauunawaan ng mga lalaki kung anu ba talaga ang hilig at gusto nila.
Bihira sa mga lalaking makatagpo ng babaeng kagaya ng mga kinakahiligan nila.

Hindi sa pinagtatanggol ko ang mga kababaihan,dahil babae ako.
Gusto ko lamang higit na mas maintindihan ng mga kalalakihan,ang nararamdaman
ng gaya ko.

Ayon sa Opinyun ko,higit na mas malawak mag-isip ang mga kababaihan,Magaling silang maglaro ng nararamdaman.Mas mabilis nilang napapayag ang isang lalaki kumpara sa kapwa nito.

Maraming gusto ang babae,pero hindi nila ito sinasabi sa kanilang kapareha.kahit ako hindi ko maiwasang gawin ito.Base sa nararamdaman ko,iba kasi sa pakiramdam kung mas nahuhulaan ng lalaki ang gusto nila."parang ako lang ang buhay nya" ganyan ang pakiramdam.

Gusto ng mga babaeng palagi silang masaya sa piling ng taong mahal nya,Ayaw nila ng hindi mo sila nabibigyan ng panahon "kahit konte".Palagi mo silang uunawain.Masayadng emosyunal ang mga babae kaya iwasan mong mapagsalitaan ng masama.Dahil kahit isang beses mo lamang itong gawain tatak na ito sa kanilang puso at isipan,at ang resulta "walang tiwala sayo".

kaya Huwag mong isiping maarte ang mga babae,sapagkat sa ganoong paraan lamang nila ipinaparamdam ang kanilang pagmamahal.

Long-Distance Relationships

Love makes the world go round, but doesn't conquer all. This holds true to couples who are in a long-distance relationship. Just like any other love, being in love with someone who is far away from you forever is possible. But it doesn't mean though, that one will be able to survive having a relationship with someone who's far away and make it last.

Many people I know personally broke up with their partners who had gone abroad because of their failed relationships. And one of the major reasons is the other one found someone new in his/her respective location.

So you can't blame some couples who break up before the other leave. Despite the presence of love, trust in the relationship is slowly losing because of lack of physical presence, which is important in building trust. Not even instant messaging, e-mailing, and long-distance calls will solve this problem.

In fairness, some couples survive. But these are cases of people whose partner are just staying away for a given period of time.

Some makes expensive duties like scheduling a constant visit to the partner's place. Still, it will not guarantee trust.

So if your partner decides to stay in a far away place for good, your relationship should not be taken for granted. Be realistic on the advantages and disadvantages of staying in your relationship then decide whether you're going to pursue it or not. However, be realistic on the outcome. For security, you may decide to follow and stay with your partner where he/she will transfer.

Trust is important in every relationship. And without physical presence, trust in a relationship has a slim chance to work out. And my stand is...long-distance relationship is most likely to fail...


source: Truelove

Miyerkules, Agosto 3, 2011

pahabol lang ...

uwian na namin e.. at kagagaling ko lang sa Q.C city hall, BIR and SEC ..at ito my time pa ko magsulat kahit uwian na..pa emote huh??

Mag-ilang linggo narin kaming walang usap sa txt at kita, syempre ang lola mo malungkot at halos maiiyak na pero kailangan kung labanan tong!! Fuckshit !! na nararamdaman ko..buti nalang subrang busy sa work kahit papaano nakakalimutan ko ang gagu..hayy nakaka stress ka talaga.. talo mo pa ang trabaho ko..siguro kung may sarili lang akong planeta tatawagin ko tong CRIZY planet.. hahahah wala lang naisip ko lang baduy noh!!?? basta mag papaka busy nalang ako muna.. hayyyssss..ang totoo namimis ko sya..JOKE!!


bye..uwi na ko..=(