Salita palang mahirap ng bigayang kahulugan agad-agad.
Subrang napakahalaga ng salitang ito,Ginagamit ito ayon sa sitwasyon.. sitwasyon na nararapat ay tama.Subalit marami sa atin ang hindi gumagamit nito,ang akala nila isa lamang itong kasabihan ng matatanda.Lahat tayo naniniwala na dapat ang tama ang palaging ginagawa.Kaso kapag nasa sitwasyon kana..nagiging tamad na tayo..totoo yun.Inaantay nalang na iba ang gagawa.
Iba ang paniniwala sa paninindigan,ang paniniwala ay nasa isip samantalang ang paninindigan ay mula sa mga binibitiwan nating salita at ginagawa.kung iniisip ng marame na masama kang tao at kahit ikaw tanggap mo,mahalagang magkaroon ka nito kahit konte lamang.Yung mga bagay na sinosuportahan at karapat dapat ipaglaban.
Dahil yan ang hihila sayo pabalik sa sarili mo tuwing nililigaw ka ng temptasyon. Yan ang magtutulak sayo para kumilos. At yan ang kakapitan mo pag may mga humahatak sayo palubog.
Tandaan mo, ang taong walang kinakapitan na tamang paninindigan, lulubog sa lahat ng bagay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento