finally!! nakapag isip-isip narin ako ng mga dapat gawin, marameng opportunity na ang pinakawalan ko dahil sa mga taong akala ko Sapat na sila,sa mga taong akala ko kapag napangiti nila ako e habang buhay..magiging masaya na ako.sa mga taong nagbigay tulong sakin pero kulang.. sa madaling salita,ang lahat ng yun e PANANDALIAN lamang, iba parin pala pag may pangarap ka..pangarap na gustong gusto mong abutin,na kahit imposible, e mangyayari kapag nag pursige ka.
kahit kailan hindi ko pinangarap maging mayaman,tumira sa mansyon na may sampung palapag o higit pa.Ang pangarap ko lang magkaroon ng maraming pera upang matulungan ang lahat ng kapwa ko na ngangailangan..kahit nung bata pa ako palagi akong na ngangarap ng gising na balang araw mag kakaroon ako ng pabrika ng pera.pero unte-onting nagbago ang pananaw ko habang lumalaki ako,HINDI SAGOT ANG PERA SA PROBLEMA!! yan ang sabi ko sa sarili ko.hindi laht ng bagy e nabibili ng pera..basta may salitang pagmamahal e sapat na.
pero mali nanaman ako,habang nararanasan ko yung paghihirap kung papaano magtrabaho,yung tipong dahil sa gusto mong kumita ng malaki para sa pamilya mo, kailangan mong mag O.T kahit antok na antok kana, yung tipong kahit my sakit kana e cge trabaho parin.Lahat ng yun na realize ko,na kapag na ngarap ang isang bata dapat habang lumalaki sya hindi mabago un.
kahit puro panghihinayang ako sa ngaun..atlis natututo ako! step by step mag sisimula ako.
sa ngaun nakapag set na ako ng appointment sa DFA, gusto ko bago matapos ang taon may passport na ako..para hindi man ako makalis ngaung taon e nextyear yun nalang aasikasuhin ko,at sana wala nanamang balakid..sana matuloy na ng hindi ko pag sisihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento