Huwebes, Agosto 4, 2011

Sakit ng mga babae

Mahirap basahin ang ugali ng isang babae,kumpara sa lalaki
Hindi mo masasabing ok sya kahit nakangiti pa.
Pero may mga pagakakataong nahuhulaan mo ang mga gusto nya.
Lalo na kung matagal na kayong naging magkasama.

Minsan may mga oras na masaya kayo,nagtatawan at maya maya'y bigla nalamang syang sisimangot at magiging moody.Mas madali pang gamutin ang sakit,kysa hulaan ang iniisip nila.

Ang totoo,isa sa dahilan ng madalas na pangyayaring ito.
Hindi kasi nauunawaan ng mga lalaki kung anu ba talaga ang hilig at gusto nila.
Bihira sa mga lalaking makatagpo ng babaeng kagaya ng mga kinakahiligan nila.

Hindi sa pinagtatanggol ko ang mga kababaihan,dahil babae ako.
Gusto ko lamang higit na mas maintindihan ng mga kalalakihan,ang nararamdaman
ng gaya ko.

Ayon sa Opinyun ko,higit na mas malawak mag-isip ang mga kababaihan,Magaling silang maglaro ng nararamdaman.Mas mabilis nilang napapayag ang isang lalaki kumpara sa kapwa nito.

Maraming gusto ang babae,pero hindi nila ito sinasabi sa kanilang kapareha.kahit ako hindi ko maiwasang gawin ito.Base sa nararamdaman ko,iba kasi sa pakiramdam kung mas nahuhulaan ng lalaki ang gusto nila."parang ako lang ang buhay nya" ganyan ang pakiramdam.

Gusto ng mga babaeng palagi silang masaya sa piling ng taong mahal nya,Ayaw nila ng hindi mo sila nabibigyan ng panahon "kahit konte".Palagi mo silang uunawain.Masayadng emosyunal ang mga babae kaya iwasan mong mapagsalitaan ng masama.Dahil kahit isang beses mo lamang itong gawain tatak na ito sa kanilang puso at isipan,at ang resulta "walang tiwala sayo".

kaya Huwag mong isiping maarte ang mga babae,sapagkat sa ganoong paraan lamang nila ipinaparamdam ang kanilang pagmamahal.

Walang komento: