Walang pasok nun kasi nga linggo,yun lang yung time na nabubuo ang mga anak ng nanay ko, "tatlo lang naman kame at ako ang panganay" .Habang nanood kame ng isang pelikula hiram mula sa kapit bahay, nakaupo at nag sisiksikan sa isang maliit na sopa "gawa pa ng aking tatay"
Hinahabol ng isang lalaki ang isang babae na nakasakay sa isang bus,malamang jowa nya to "hayysss hindi ko talaga alam kung bakit ako napaupo sa tabi nila at nakinuod narin".Ang bilis ng kanyang takbo ngunit hindi nya talaga naabutan. Sumilip ang babae sa bintana ng bus at nakita nya ang lalaki na nakaluhod sa malayo,biglang umiyak ang babae."tiningnan ko ang ang aking katabi,halos matawa ako sa inis kasi subrang nadadala sya sa palabas gusto ko syang sabunutan".
Biglang bumaba sa bus ang babae at pinuntahan ang jowa nya, "nakakatawa kasi biglang nag slow motion ang lahat,ANG KORNI TALAGA!!".kasabay ng pagtakbo ng lalaki papalapit sa babae,nagyakap sila at sinabing "sorry mahal talaga kita hindi ko kayang mawala ka" HAHA!!!!! "natatawa talaga ako,pero hindi parin ako umaalis sa kinauupuan ko patuloy parin ako sa panunuod habang kinukuhaan ng picture ang mga katabi ko,ang dame kung tawa sa kanila".
Nakakaasar lang kasi minsan, halos na bibingi na't naduduling ako sa mga taong nakakasalamuha ko sa kalsada.May kakilala nga ako,Barkada ko every breaktime namin halos bukang bibig nya yung crush nya, kahit saan kame pumunta at kahit nasa canteen kame na napakaraming tao e,hindi parin sya natigil nakakabingi na.
Isa pa,kakilala korin..nag-away silang mag jowa dahil nahuli nya yung bf nya na may katxtmate na ibang girl, chempre si Gf e nagalit..nagtampo kay bf at halos isang linggo silang hindi nag usap."nakaka-asar lang kasi,alam kung wala akong pakialam sa buhay ng ibang tao pero masyado nilang ginagawang komplikado ang lahat kahit walang karason-rason"
"Dumaan din naman ako sa ganyang proseso,ng paulit-ulit pero ayaw ko ng balikan"
"Napakaraming bagay dito sa mundo na hindi parin maipaliwanag,nakakalito.. na kahit napakatalinong tao ehh..hindi kayang masagot lahat ng mga katanungang ito,Maraming tanong pero kakaunte lamang ang nasasagot,Kung hindi parin natin maintindihan yung tanong..siguro sapat na nag manahimik nalang..tama na siguro ang maramdaman nalang natin diba???"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento