Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

sa edsa

Subrang pagod ang inabot ko kahapon, pagkauwi galing sa opisina.
Maaga akong nag out hindi ko akalaing sa paglabas ko ng building makikita ko ang kinaaasaran kung tao na palaging sumisira ng araw ko,"wag ng magtanong kung sinu" ang sagot ko dyan "basta tao,pero asal hayop".

Magkasabay kaming naglakad mula sa building hanggang SM Megamall, ang lola mo subrang pagod dahil sa hils na napakataas.Medyo nag-usap pa kame't nagkulitan at ang resulta nawala ang inis ko sakanya, kakain pa sana kami kaso nga pagod na ko at uwing-uwi.

Magkasabay narin kaming sumakay ng bus, at ang tunay na kwento dito.. ganito ang mga pangyayari..

Namimili kami ng masasakyan kung aircon ba o ordinary, sabi nya aircon daw kc mas safe, dahil safe sa ROBINSON..lolz! nahuli pa yung sinasakyan namin at naghintay pa kami ng subrang napakatagal!"badtrip".Ng makaalis na.. mya maya huminto nanaman ang bus..at biglang bumaba ang driver,tipong makikipag away pa sa MMDA sa Robinsons.Bumalik ang driver ng ilang minuto, ang dami kung tawa sabi ng MMDA sakanya, sumisigaw.."ALAM MO BANG BAWAL BUMABA DITO! NASA RULES YAN KAHIT SA BIBLE" haha!! ang dami kung tawa sa MMDA halos mautot ako sa kakatawa sakanya,kht yung kasama ko e natawa.

Mamaya,pagkatapos ng eksena pinababa kami at sinuli at bayad"salamat po sa paghihintay namin..mga boyset,anung oras na".Tamang lakad ng napakalayo at hintay ng masasakyan tumagal din yun halos umabot ng 30minutes."sa wakas nakasakay din" at nakatayo pa,buti't may isang ali na mabait at binigyan ako ng konting space sa upuan'kalahati ng pwet ko lang ang kasya..kangalay sa paa".Nkaka baba na yung kasama ko at ako nalang mag-isa.

Ito pa..bangdang Cubao..ang may sumigaw "HOY NAIWAN MO KUNDOCTOR MO" putek ang dami kung tawa! anu bayan, nakakaasar yung araw nayun,pero medyo masaya.

Walang komento: