Martes, Nobyembre 15, 2011

SANDALAN

Gustong gusto ko ang mga kanta ng 6cycle..pero hindi ko trip ang banda nila "labo ko noh" subrang makaka relate ka pag marinig mo lahat ng songs nila.Specialy yung Sandalan subrang ganda ng lyrics..try nyung pakinggan

Ang lahat ng tao ay may instant sandalan sa buhay. Yung tipong tuwing may problema, nagiging takbuhan natin upang maging kalmado at mapawi yung lungkot na nararanasan natin. Pwedeng nanay mo, tatay mo, kapatid, o kabarkada minsan pa nga kapit bahay.

"yung tipong" Sandalan na kahit walang solusyon na mabibigay, nandyan lang para hindi ka tuluyang masiraan ng loob. Kahit anong klaseng hasel, nababawasan yung lungkot o pag-aalala natin pag nakasama, o kahit makausap lang yung tinuturing natin na sandalan.

Pero hindi maiiwasan na minsan nawawala sila. napupunta sa malayong lugar, o nakakasamaan ng loob. Pag nangyare yan, sobrang bigat sa pakiramdam. Wala yung kinasanayan nating instant sandalan.

Mas malungkot ang kalungkutan, at pakiramdam natin mas naliligaw tayo sa kalituhan. Kaya alagaan at bigyan natin sila ng halaga, para hindi sila mawala. O kung mawala man sila, sapat ang saya ng ala-ala nila para masandalan pa. Sinasandalan natin sila, maging sandalan din tayo para sa kanila

oki???!!!!

Walang komento: